Friday, June 28, 2019

Bakit ko pinili ang ICT Strand?


Bakit ko napili ang ICT Strand?





"ICT Strand" or Information Communication Technology ay tumutukoy sa mga teknolohiya na nagbibigay ng access sa impormasyon sa pamamagitan ng telekomunikasyon,halimbawa ay mga Devices tulad ng Cellphone,Computer,Laptops & Netbooks.Ang tanong ay kung bakit ko pinili ang ICT Strand?Pinili ko ang ICT dahil sa pangarap kong maging isang Java Programmer at gumawa game apps.Isa din ay para kumita ng pera para magawa ko at mabili ang aking mga gusto.
Isa din sa dahilan ay dahil mahilig akong mag-computer at gusto ko pang mas matuto sa pag gamit nito.Gusto kong pang malaman kung paano ayusin ang mga computer tulad ng pag tukoy kung ano ang sanhi ng pagkasira nito,malaman ang mga parte ng computer,at kung paano ito magagawa.Pinili ko din ang Strand na ito dahil mahilig na akong mag computer noong bata pa ako at madami na rin akong natutunan sa tulong ng aking mga kaibigan.Masaya ako na ito ang aking pinili at hindi ako nagsisisi dahil ito naman talaga ang akung gustong matutunan.Dahil narin sa hinaharap ay siguradong mas advance na ang teknolohiya upang mapaghandaan ko ito kaya ko rin pinasok ang ICT Strand.Sinasabi ng iba na marami pa daw na mas magandang strand kaysa sa ICT at makakakuha pa daw doon ng mas magandang trabaho pero ito parin ang aking pinili dahil alam konsa aking sarili na ito ang gusto kong gawin at pangarap.Ang pagiging isang ICT Student ay hindi mahirap dahil gusto ko naman ang mga asignatura nito at madali akong nakakapag adjust sa mga lessons,noong una ay gusto kong mag HUMSS Strand ngunit napagpasyahan kong mag ICT dahil mahina ako sa social communicating at alam ko sa sarili ko na mas pabor ako sa ICT Strand dahil marami narin naman akong alam tungkol sa Computer at ito ay aking paboritong gawin.Kapag nasa kolehiyo na ako ay kukunin ko ang kursong BSIT at mag program ng computers at gumawa ng mga larong ginagamitan ng estratehiya.Kahit pa ngayong panahon ay nagiging dahilan ng pagkasira ng pag-aaral ang pag co.computer ng mga bata dahil sa pagiging adik nila dito at nagiging dahilan ng pagkasira ng kanilang kinabukasan dahil sa pag cu-cutting classes.Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang dahil suportado nila ang kinuha kong strand at alam nila na ito ang gusto kong gawin at pati na rin sa pag pasok ko sa kolehiyo.Mag aaral ako ng mabuti upang matupad ko ang aking mga ambisyon na maging isang Computer Programmer at Game Creator at matulungan ang aking pamilya.Ang pagiging IT student ay nakatutulong rin sa akin sa mga bagay na konektado sa Computer dahil mas marami akong nagagawang bagay ng mas mabilis dahil sa karunungan sa pag gamit nito.Mas madali na rin kumita ng pera sa pagiging IT student dahil sa panahon ngayon ay madami ng mga teknolohiya na kailangang ayusin na konektado sa Computer na mga tulad naming ICT students ay mas marunong sa pag aayos nito katulad ng pag rereformat at pag iinstall ng software and hardware ma mas matutunan pa namin sa mga susunod na buwan.Sa huli ay masaya akong ito ang pinili ko at ipagpapatuloy ko ang pag aaral ng mabuti at makamit ang aking mga pangarap,maipagmamalaki ko pagiging isang ICT Student sa iba pang mga strand.Salamat din sa mga magulang ko sa pagsuporta sa aking mga pangarap at sa Diyos na tumutulong sa akin.

1 comment:

  1. goodluck satin hhaha mag kamukang mag kamuka tayo ng gusto,,sana maging succesfull tayo soon...

    ReplyDelete